Oh kay sarap ng buhay
Ang pasko ay sasapit na naman
Naaamoy ko na ang puto-bumbong
Excited sa regalong ibibigay
Maghahanda din si nanay
Ng hamon at queso de bola
Magsasama-sama ang buong pamilya
Para sa noche buena
Ang pasko ay ipagdiwang
Ng pusong nagmamahalan
Ang pamilya'y katulad ng christmas tree
Kumikislap sa pagmamahal
Darating din si Santa
May aginaldong dala
May nagkakarolling mayro'ng simbang Gabi
Kampana'y nanggigising na
Ang pasko ay ipagdiwang
Ng pusong nagmamahalan
Ang pamilya'y katulad ng mga parol
Kumikislap sa pagmamahal
Ang pasko ay ipagdiwang
Ng pusong nagmamahalan
Ang pamilya'y katulad ng mga parol
Kumikislap sa pagmamahal
Ang pamilya'y katulad ng mga parol
Kumikislap sa pagmamahal