Sa tawag ng ating bayan
Tugon nati'y paglingkuran!
Dangal, giting, katapatan
Sa diwa ng kabanalan!
Adhikaing nilalayon
Kapwa nating nangabaon
Sa hirap na suson-suson
Kapit-bisig na ibangon!
Mahal naming M.F.I
Sayo kami nagpupugay!
Ikaw ay aming itatanghal
Sa bulwagan ng Dangal!
Sayo kami maglilingkod!
Kapwa namin itaguyod!
Mahal naming MFI!