Agaw Agimat - Nasaan Nga Ba Ang Pag-ibig? Lyrics


Agaw Agimat Lyrics

Nasaan Nga Ba Ang Pag-ibig? Lyrics
May kaba sa aking dib-dib
May ligalig sa aking isip
May nadaramang kaguluhan
Sa puso nati’y puno ng digmaan

Gumugulo sa aking isipan
Gustong isigaw nararamdaman
Mga pusong luhaan
Mga pasakit, kailan maibsan

Nasan nga ba ang pag-ibig?
Ba’t nadarama’y ligalig
Nasan nga ba ang pag-ibig?
Di nyo ba kami naririnig?

Mga batang walang kinabukasan
Pakalat-kalat sa lansangan
Magsasakang walang makain
Kanino kaya kanilang aanihin

Mga sundalo sa walang kwentang digmaan
Butas ang sapatos, walang laman ang tiyan
Mga manggagawang nagpapanday
Walang matir’han, wala pa ring bahay


Soundtracks / Top Hits / One Hit Wonders / TV Themes / Song Quotes / Miscellaneous